DIVIDEOVERFLOW

Best Friend

DiViDeOvErFlOwNamimiss ko siya… nde ako makapagtrabaho, wala akong maisip, naaalala ko siya… unti-unting kong naaalala ang masasayang araw na kasama ko siya… ang pagsalubong niya sa akin pagkagaling ko sa labas ng bahay… ang pagyakap sa aking kapag galing ako sa trabaho…

Dinapuan siya ng sakit… sabi ng doktor apat na araw lang daw ang itatagal niya kapag hindi kinaya ng katawan niya ang nararamdaman… sa loob ng apat na araw, pilit niyang nilabanan ang sakit… halos di siya matulog… natatakot na baka sa pagpikit niya hindi na niya kami makita pang muli… napakasaklap ng mga nangyari… hindi ko mapigil ang sarili ko, unti-unting tumulo ang luha sa aking mga mata… hindi ko kayang panoorin ang paghihirap niya… sa tuwing pinagmamasdan ko siya… naaalala ko kung pano siya matulog, kung pano niya hinihiwalay ang kanin sa ulam nya dahil ayaw niya ng kanin, pano niya nilalaro ang mga kapatid ko pati na din ang tatay at nanay ko, pano siya makipaglaro sa pinsan ko. sayang at hindi nagtagal ang pagsasama namin…

Namimiss ko si NAMI, nakakalungkot na dahil sa libreng bakuna, nasira ang buhay nya… Kaninang umaga nawala na siya sa mundong ito…
Sayang… Nakakalungkot…

### si NAMI nga pala ay isang aso…
Nami

Leave a Reply

Confirmation Code:
Click to change CaptCha Image
Type Code Here: