Naisip ko Lang
Nasubukan mo na bang maupo sa isang tabi at magmuni-muni… Isipin ang mga bagay na ginagawa mo sa araw-araw… Parang nakakasawa na…
Eto ang routine ko araw araw:
Lunes: gising ng maaga, ligo, pasok sa office, uwi sa bahay.
Martes: gising ulit maaga, kain, ligo, pasok, uwi.
Miyerkoles - Biyernes: hindi ko na kailangang sabihin, palagay ko alam mo na
Sabado: (buti na lang naiba ng konti) gising ng maaga, kain, ligo, pasok, uwi ng 12:00 para magtanghalian sa bahay… 2:00 punta ng simbahan para magturo ng choir, minsan diretso na tambay hanggang hapunan, punta sa bahay ng tropa pagkatapos kumain.
Linggo: simbahan ang nagsisilbing tahanan ko (dati pala yun), ngayon- misa lang sa umaga tapos pahinga na. nun lang ako nakapagpahinga, kung minsan may meeting kung saan saan.
nakakasawa din pala…
namimiss ko yung panahon na wala pa akong trabaho at wala ring kahit anong obligasyon, matutulog ako ng 2:00am tapos bahala na kung anong oras magising. minsan inaabot ng 2:00pm at kung minsan sa bahay pa ng tropa.
ang sarap ng buhay ng nag-aaral nun, palamunin ka lang ng magulang mo, wala kang mashadong inaasikaso. Papasok ka lang sa school para makinig at magsulat ng konti… ok na (may kasama pang baon yun), di gaya ng panahon ngayon na ako na ang kailangang maghanap ng pera. sa susunod ako na ang magbibigay ng baon sa mga anak ko.
ang hirap ng buhay ng meron kang tungkulin na dapat gampanan, hindi mo na alam kung saan ilalagay ang sarili mo isabay mo pa ang trabaho, wala ng oras para makapaglibang, makapagstroll sa mall, makasama ang pamilya sa mga pasyalan, gusto ko ulit makita ang Manila Zoo, Nayong Pilipino, Fort Santiago
… sa totoo lang, gusto ko talagang puntahan yun kasama ang pamilya ko, nung huli ko kasing napuntahan ang mga lugar na yun kasama ang pamilya ko ang tanging nasasabi ko lang eh “mama, papa, uu” (lolz) kelan kaya mangyayari yun ulit?
Masarap din naman ang buhay ng may trabaho, nabibili ang gusto, nasusunod ang luho. Shempre depende un sa sahod
mahirap nga lang bumili ng gamit dahil alam mong pinaghirapan mo yung perang gagamitin mo pambili, kaya mas gusto mo yung sulit yung bibilhin mong gamit di gaya ng perang binigay ng nanay/tatay o ng sino pa man basta bigay na napakadaling gastusin dahil alam mong bigay lang. Hirap ng buhay… ngayon nararamdaman ko na rin ang epekto ng pagtaas ng presyo ng langis, pagtaas ng presyo ng mga bilihin (ako na lang yata hindi tumataas), pagbaba ng kalidad ng edukasyon. Marami sa mga estudyante ngayon ang mahina sa klase… ewan ko ba… nararamdaman ko na ang kahirapan… mag-abroad kaya ako? pero pano ko pupunta dun?
hmmmmmm… (wala na akong maisip… itutulog ko na lang ‘to) hehehe


November 18th, 2005 at 10:19 pm
hi, glenny…
minsan talagang nakakasawa ang routine… pero mas mapalad pa rin tayo dahil may ginagawa pa rin tayo at may pinagkakaabalahan.. mahirap din naman ang oxymoron he he
November 19th, 2005 at 12:09 pm
kung sabagay tama ka dun, mas ok nga naman yung may ginagawa kaysa tambay hehehe