DIVIDEOVERFLOW
DiViDeOvErFlOw^ + DiViDe^ + cool_bugs = Glen R. Aranzanso

TM Virus Info

Di ko alam… puyat ako!!!

May 4th, 2005

5 oras lang ang tulog ko sa loob ng tatlong araw…
di ako makapag-isip ng maayos… kaya nagsulat na lang ako…

Paano ba maging Leader? Paano ba pasusunurin ang mga miyembro? Paano ka pagkakatiwalaan ng tao na minsan mo lang nakita? Paano ba harapin ang mga problemang dati rati ay hindi mo naman pinoproblema???

HINDI KO ALAM!!! PUYAT AKO!!! *joke parang gusto kong maging miyembro na lamang… mas madaling sumunod kaysa magpasunod… or should i just say “i don’t have the thing you called leadership in me” hindi kasama sa bokabularyo ko ang pamumuno…

Napakahirap mamuno… lalu na kung ang pinamumunuan mo ay kinabibilangan ng mga batang mas matigas pa ang ulo sa ulo ng pako… napakahirap maging isang leader sabi nga ni fr. buddy (parish priest namin) “A leader should be the first one in and the last one out” (galing sa sermon yan :P )… di ko kayang gawin un, di ko kayang maging first one in all the time kasi may work at kung minsan may importanteng lakad na hindi inaasahan… di ko kayang maging last one out palagi dahil hayuf sa pagpupuyat ang mga kabataan na pinamumunuan ko, baligtad ang kanilang oras ng paggawa… hindi sila makatulog hangga’t hindi nila nasisilayan ang araw… kaya pati ako puyat… buti na lamang at may mga miyembro pa rin na handang tumulong hanggang sa huli…

at dahil di ako makapag-isip ng maayos…
di ko alam kung paano tatapusin itong sinulat ko…
di ko nga alam kung bakit sinulat ko ‘to…

####paumanhin… ito po ay dala lamang ng sobrang puyat :P

Best Friend

May 3rd, 2005

Namimiss ko siya… nde ako makapagtrabaho, wala akong maisip, naaalala ko siya… unti-unting kong naaalala ang masasayang araw na kasama ko siya… ang pagsalubong niya sa akin pagkagaling ko sa labas ng bahay… ang pagyakap sa aking kapag galing ako sa trabaho…

Dinapuan siya ng sakit… sabi ng doktor apat na araw lang daw ang itatagal niya kapag hindi kinaya ng katawan niya ang nararamdaman… sa loob ng apat na araw, pilit niyang nilabanan ang sakit… halos di siya matulog… natatakot na baka sa pagpikit niya hindi na niya kami makita pang muli… napakasaklap ng mga nangyari… hindi ko mapigil ang sarili ko, unti-unting tumulo ang luha sa aking mga mata… hindi ko kayang panoorin ang paghihirap niya… sa tuwing pinagmamasdan ko siya… naaalala ko kung pano siya matulog, kung pano niya hinihiwalay ang kanin sa ulam nya dahil ayaw niya ng kanin, pano niya nilalaro ang mga kapatid ko pati na din ang tatay at nanay ko, pano siya makipaglaro sa pinsan ko. sayang at hindi nagtagal ang pagsasama namin…

Namimiss ko si NAMI, nakakalungkot na dahil sa libreng bakuna, nasira ang buhay nya… Kaninang umaga nawala na siya sa mundong ito…
Sayang… Nakakalungkot…

### si NAMI nga pala ay isang aso…
Nami